Balasa sa Gabinete merong part 2

Inihayag kahapon ng Malacanang ang panga­lawang bugso ng pag­balasa sa Gabinete ni Pangulong Gloria Maca­pagal-Arroyo.

Sinabi kahapon ni Executive Secretary Eduardo Ermita na iti­nalaga ng Pangulo bilang bagong hepe ng Land Transportation Office si dating Philippine National Police Chief Arturo Lo­mibao kapalit ni Alberto Suansing.

Itinalaga naman si Suansing bilang bagong tagapangulo ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board kapalit ni Thompson Lan­tion na ibinalik sa Department of Transportation and Communication bi­lang undersecretary.

Inilagay naman si retired Gen. Reynaldo Ber­roya bilang bagong Mass Railways Transit-line 3 administrator kapalit ni Roberto Lastimoso. (Rudy Andal)

Show comments