^

Bansa

Night clubs na front sa droga salakayin

-

Inatasan kahapon ni Department of the Interior and Local Government Secretary Ronaldo Puno ang lahat ng pamahalaang lokal na pakilusin ang kanilang lokal na pulisya upang salakayin at ipasara ang lahat ng mga night clubs, karaoke bars, at resorts na hinihi­nalang ginagamit sa operasyon ng iligal na droga.

Isa ito sa nakasaad sa Memorandum circular na inilabas ni Puno para sa lahat ng gobernador, alkalde at mga punong barangay base sa pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa bawal na gamot. 

Pinaalala ni Puno na gawing sorpresa ang mga inspeksyon sa mga establisimiyentong hinihinalang kuta ng iligal na droga upang mahuli sa akto ang operasyon ng sindikato.      

Agad namang ipasasara at kakanselahin ang “business permit” ng mga negosyong mapapatunayan na sangkot sa iligal na operasyon.

Sinabihan din ng kalihim ang mga gobernador at alkalde na maglaan ng sapat na tulong pinansyal sa lokal na pulisya para epektibong magampanan ng mga ito ang kanilang tungkulin sa kampanya at tiyakin na tumutulong rin ang mga opisyales ng barangay sa paglilinis sa kanilang lugar sa mga drug pusher at user. (Danilo Garcia)

vuukle comment

DANILO GARCIA

ILIGAL

INATASAN

ISA

PINAALALA

PUNO

SINABIHAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with