^

Bansa

Mobile E-Passport ilulunsad sa Caloocan sa Peb. 2

-

Maglulunsad ang pamahalaang lungsod ng Ca­loocan ng Mobile E-Passport Service (MEPS) umpisa bukas, Pebrero 2 sa pakikipagtulungan ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon kay Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri, kailangan lamang pumunta ng mga residente sa mga tanggapan ng Civil Registry Department (CRD) sa City Hall Main o sa City Hall North para mapakina­bangan ang serbisyo.

Ang application period ay magpapatuloy hanggang Peb. 27. Kapag naaprubahan, kailangan namang buma­lik ng aplikante sa Marso 14 sa City Hall Main sa corner ng A. Mabini st. at 10th Ave. para sa final evaluation at pagbabayad.

Samantala, ang releasing ng mga passport ay ga­gana­pin sa Marso 28, doon din sa Caloocan City Hall Main.

Ayon naman kay City Civil Registrar at DFA-LGU Coordinator Luchi Flores, ang “hassle-free” na pag­pro­seso ng mga pasaporte ay naunang hiniling ni Mayor Recom bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-47 Cityhood ng Caloocan sa Peb. 16.

Ani Flores, dahil sa benepisyong ito, malaki ang mati­tipid ng mga residente sa pagproseso ng kanilang mga dokumento.

Kaugnay nito, naglaan naman si Flores ng dalawang linya ng telepono, 324-5126 at 288-8811 loc. 2249, na nakahandang sumagot sa katanungan ng mga mag-a-apply ng passport. (Lordeth Bonilla)

ANI FLORES

AYON

CALOOCAN CITY HALL MAIN

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

CITY CIVIL REGISTRAR

CITY HALL MAIN

CITY HALL NORTH

CIVIL REGISTRY DEPARTMENT

COORDINATOR LUCHI FLORES

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with