Senatorial list para sa 2010 inilabas ng Lakas-CMD
Inilabas ng ruling Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) ang listahan ng posibleng senatorial line-up nito para sa 2010 elections.
Ayon kay Presidential Adviser on Political Affairs Gabriel Claudio, ang 33-man list ay inaprubahan sa executive committee meeting ng partido, na pinangunahan ni Pangulong Arroyo, sa Holiday Inn Hotel sa Clark Field, Pampanga.
Ang listahan ng mga kandidato ay ang sumusunod: Re-electionists (In alphabetical order): Juan Ponce-Enrile, Richard Gordon, Lito Lapid, Ramon Revilla Jr. and Miriam Defensor-Santiago.
Ang iba ay sina Sonny Alvarez, Mikey Arroyo, Lito Atienza, Silvestre Bello III, Esperanza Cabral, Mike Defensor, Francisco Duque, Ace Durano, Eduardo Ermita, Marides Fernando, Gwen Garcia, Raul Gonzalez, Ephraim Genuino, Jesli Lapus, Marcelino Libanan; Edu Manzano, Tessie Oreta, Butch Pichay, Monico Puentevella, Ralph Recto, Cerge Remonde, Martin Romualdez, Chavit Singson, Tito Sotto, Buboy Syjuco, Gilbert Teodoro, Ray Villafuerte at Ed Zialcita.
“They are the probable contenders for the party’s senatorial slate for the 2010 elections,” wika ni Claudio.
Ayon kay Claudio, magsasagawa ang partido ng serye ng screening at consultation upang mapili ang magagaling na kandidato para sa 2010 elections.
“Credentials and qualifications will play a big role in the selection process to enable the party to field the best possible candidates,” paliwanag ni Claudio.
Isang three-term congressman ng Eastern Samar, nakapasok sa listahan si Libanan dahil sa impresibong performance nito bilang BI commissioner, kung saan ginawa niya ito bilang isa sa pinakamagaling na ahensiya ng pamahalaan. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending