^

Bansa

18 OFWs pa-Lebanon pinigilan ng Bureau of Immigration

-

Pinigilan ng mga tau­han ng Bureau of Immigration (BI) na makaalis ng bansa ang 18 Filipino workers na karamihan ay mga babae, na makabiyahe patungong Lebanon kung saan may ipinatutupad na total ban sa pagpapadala ng OFWs.

Pasakay na sana ang mga trabahador sa Emirates Airlines flight patu­ ngong Lebanon nang pigilin ng mga ahente ng BI, ayon kay BI-NAIA Operations Chief Ferdinand Sampol sa kanyang ulat kay Immigration Commissioner Mar­celino Libanan.

Nagpapatupad ang pa­mahalaan ng total ban sa pagpapadala ng mangga­gawa sa mga bansang may digmaan tulad ng Iraq, Nigeria, Lebanon at Jordan upang hindi sila malagay sa panganib.

Mula noong 2006, ipi­natigil ang pagpapadala ng Pinoy workers sa Lebanon matapos uminit ang bak­bakan sa pagitan ng Israeli Defense Force at Hez­bollah.

Dinala ang mga traba­hador sa tanggapan ni Vice President Noli De Castro, na siya ring presidential adviser on OFW affairs at concurrent chairman ng Task Force Against Illegal Recruitment, para maim­bes­tigahan.

Si Libanan ay vice chairman ng task force na nilikha ni Pangulong Arroyo sa bisa ng Executive Order 759. (Butch QuejadaEllen Fernando)

BUREAU OF IMMIGRATION

EMIRATES AIRLINES

EXECUTIVE ORDER

IMMIGRATION COMMISSIONER MAR

ISRAELI DEFENSE FORCE

OPERATIONS CHIEF FERDINAND SAMPOL

PANGULONG ARROYO

SHY

SI LIBANAN

TASK FORCE AGAINST ILLEGAL RECRUITMENT

VICE PRESIDENT NOLI DE CASTRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with