^

Bansa

'Bolante et al kasuhan' - Senado

- Ni Malou Escudero -

Kasabay ang pag­hamon sa Office of the Ombudsman, inireko­menda kahapon ni Sen. Richard Gordon ang pagsasampa ng kaso laban sa lahat ng mga sangkot sa P728 milyon fertilizer fund scam sa pangunguna ni dating Agriculture Under­secre­tary Jo­celyn “Joc-joc” Bo­lante.

Ayon kay Gordon, plunder ang kasong dapat isampa laban kay Bolante at sa mga kasabwat nito sa pag­wawaldas umano ng pondo ng fertilizer.

Naniniwala si Gordon na malakas ang kaso laban sa mga sangkot sa fertilizer fund scam dahil na rin sa paglutang ng mga testigo na magpapa­tunay na nagkaroon ng sabwatan.

Sa pagdinig kaha­pon, ipinakita ang isang larawan na nakunan noong Agosto 23, 2004 sa ika-50th birthday ni Leonicia Llanera na sinasabing financier sa proyekto.

Kasama sa larawan sina Feshan Philippines vice president Redentor Antolin, Jaime Paule, Llarena, asawa ni Paule at anak nito, at sina, Marilyn Araos at Fe­ shan Philippines president Julie Gregorio.

Tinawag namang ‘palos’ ni Senate President Juan Ponce Enrile si Paule dahil sa patu­loy na pagtanggi nito na kakilala niya ang mga nabanggit na tao.

Ayon kay Gordon, pinapatunayan ng li­trato na nagsisinu­ngaling si Paule sa komite nang sabihin nito na hindi niya ka­kilala sina Araos at Gregorio.

Nagbanta din si Gordon na ipapatawag at iimbestigahan ng Sena­do ang Ombudsman kung hindi pa rin sa­sampahan ng kaso sina Bolante, Paule at iba pang sangkot sa scam.

vuukle comment

AGRICULTURE UNDER

AYON

BOLANTE

FESHAN PHILIPPINES

GORDON

JAIME PAULE

JULIE GREGORIO

LEONICIA LLANERA

MARILYN ARAOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with