^

Bansa

'Pork' ayaw kunin ng mga senador

-

Ilang senador ang walang balak na kunin ang kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala sa tawag na pork barrel para sa taong ito.

Inihayag ni Sen. Mar Roxas na hindi niya muli kukunin ang kanyang P200 milyon pork barrel.

Ang hindi pagkuha ng pork barrel ay nauna nang ginawa ni Sen. Panfilo Lacson simula pa noong 12th Congres.

Sa ngayon si Roxas ang ikatlong incumbent senator na nagsoli ng P200 mil­yong pork barrel, kahanay nina Sen. Antonio Trillanes IV at Sen. Jamby Madrigal na nagsoli ng tig-P100 milyong nakalaan sa hard project.

Hiniling ni Roxas kay Senate President Juan Ponce Enrile na ibigay ang kanyang PDAF sa Department of Trade and Industry para magamit sa small and micro-lending facilities, upang makalikha ng mas marami pang small and medium businesses na magpapasigla sa ekono­miya. (Malou Escudero)

ANTONIO TRILLANES

CONGRES

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

JAMBY MADRIGAL

MALOU ESCUDERO

MAR ROXAS

PANFILO LACSON

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

ROXAS

SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with