^

Bansa

Leviste wag pagpiyansahin - DOJ

-

Hiniling kahapon ng Department of Justice (DOJ) sa Court of Appeals (CA) na ibasura ang kahi­lingan ni dating Batangas governor Antonio Leviste na makapagpiyansa.

Ayon kay Senior State Prosecutor Emmanuel Velasco, si Leviste ay na­hatulan dahil sa kasong homicide at kapag pinag­bigyan ang kahilingan nitong motion for a special raffle ibig sabihin umano nito ay pagbibigay ng pre­bilehiyo sa dating gober­nador at isang malinaw na paglabag sa equal protection of the law na nakasaad sa Konstitusyon.

Mistulang special treatment na rin umano ito sa gobernador kapag pinaya­gan ito ng Appellate court na makapagpiyansa na hindi naman natatamasa ng ibang tao na katulad ng sitwasyon ni Leviste.

Si Leviste ay nahatu­lang makulong ng mula 6-12 taon dahil sa pagpatay sa kanyang matalik na kaibi­gan na si Rafael delas Alas.

Nabatid na naghain ng motion si Leviste sa CA para sa special raffle upang makapagpiyansa dahil sa mahina na umano ang kalusugan nito.

Idinagdag pa ni Ve­lasco na kapag pinayagan ng CA si Levista sa kan­yang motion mawawalan umano ng hustisya hindi lamang ang pamilya ni Delas Alas kundi maging ang buong tao sa Pilipinas. (Gemma Amargo-Garcia)

ANTONIO LEVISTE

AYON

BATANGAS

COURT OF APPEALS

DELAS ALAS

DEPARTMENT OF JUSTICE

GEMMA AMARGO-GARCIA

LEVISTE

SENIOR STATE PROSECUTOR EMMANUEL VELASCO

SHY

SI LEVISTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with