Gabinete binalasa ni GMA
Binalasa kahapon ni Pangulong Arroyo ang mga miyembro ng Gabinete nito at itinalaga bilang bagong Chief Presidential Legal Counsel si press secretary Jesus Dureza kapalit ni Sergio Apostol.
Ipinalit naman kay Dureza sa Office of the Press Secretary si Presidential Management Staff (PMS) chief Cerge Remonde habang ang pumalit kay Remonde ay si Presidential Adviser on the Peace Process Sec. Hermogenes Esperon Jr.
Si National Security Deputy Director Avelino Razon Jr. ang itinalaga namang kapalit ni Esperon.
Itinalaga naman ni Mrs. Arroyo bilang bagong un dersecretary sa Department of Transportation and Communications (DOTC) si LTO chief Alberto Suansing habang si dating PNP chief Arturo Lomibao ang bagong LTO chief.
Samantala, malaking karangalan naman para kay Dureza ang mapiling chief legal counsel umpisa Feb. 1.
“Being the President’s legal adviser will bring me new challenges and fresh work perspectives. This will be an enriching experience for me,” wika ni Dureza, na 10th placer sa 1973 bar examinations at dating pinuno ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa Davao.
Bilang abogado ng Palasyo, sinabi ni Dureza na sasabak siya sa larangan kung saan ibinuhos niya ang ilang magagandang taon ng kanyang buhay bilang law practitioner.
Sa kanyang bagong trabaho, nangako si Dureza na patuloy na makikipag-ugnayan sa publiko at sa media. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending