Tiniyak ng Bureau of Food and Drugs (BFAD) na ligtas kainin ang mga local peanut butter at wala umanong salmonella bacteria gaya ng nakita sa ilang mga imported peanut butter.
Batay sa kanilang huling monitoring, sinabi ni BFAD Director Leticia Gutierrez na nananatiling ligtas na kainin ang mga local made na peanut butter kaya hindi dapat na mangamba ang publiko.
Aniya, may sapat ding supply ang peanut industry na gumagawa ng mga peanut butter kaya malabo na maubusan ng sangkap ng mani sa paggawa nito.
Kasabay nito, hiniling ni Gutierrez sa mga local government units (LGUs) na magsagawa ng inspeksyon sa mga public markets upang matiyak na ligtas ang mga peanut butter na ibinebenta nito partikular ang mga nasa balde o nabibili ng tingi-tingi. (Doris Franche)