^

Bansa

Construction firm umapela

-

Umapela kahapon ang kompanyang EC De Luna Construction Corporation matapos itong i-ban ng World Bank at ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa paggawa ng proyekto sa gobyerno matapos na masangkot umano sa korupsiyon.

Ang kompanyang EC de Luna Construction Corp. ay nakiusap na ma­bigyan ng pagkakataon ng gobyerno na mabigyan ng due process at malinis ang kanilang pangalan mula sa nasabing ale­gasyon.

Ayon kay Atty. Roan Libarios, wala umanong solidong ebidensiya ang WB na magdidiin na sila ay sangkot sa korupsiyon.

“the Sanctions Board concluded that INT had not presented evidence sufficient to establish that it was more likely than not that these respondents had engaged in corrupt and fraudulent practices,” saad umano sa desisyon na ipinalabas ng WB.

Ikinatuwiran pa ng nasabing kompanya na agad umano silang nahus­gahan na naglalagay sa gobyerno upang manalo sa mga bidding para sa paggawa ng proyekto dito.

Magugunitang noong nakaraang Linggo, inilagay sa blacklist ng WB ang mga Philippine construction firms na E.C. de Luna Construction Corp., Cavite Ideal International Construction and Development, at CM Pancho Corp.

Ayon sa World Bank, dinaya ng pitong kum­panya ang bidding para sa $33-million National Roads Improvement Project (NRIMP) Phase I, sa pamamagitan ng pagbuo ng cartel. (Mer Layson)

AYON

CAVITE IDEAL INTERNATIONAL CONSTRUCTION AND DEVELOPMENT

DE LUNA CONSTRUCTION CORPORATION

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

LUNA CONSTRUCTION CORP

MER LAYSON

NATIONAL ROADS IMPROVEMENT PROJECT

PANCHO CORP

PHASE I

ROAN LIBARIOS

WORLD BANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with