^

Bansa

US tutulong sa rescue

- Joy Cantos, Rudy Andal -

Nakahanda ang US government na tumulong sa isinasagawang rescue operations para sa tatlong miyembro ng International Committee of the Red Cross (ICRC) na dinukot noong nakaraang linggo ng Abu Sayyaf sa Sulu.

Ayon kay US Ambassador Kristie Kenney, han­da silang magbigay ng impormasyon o anu­mang puwedeng maitu­long nila kapalit ng ligtas na pagpapalaya sa mga biktima ay kanilang ga­gawin.

“These are International Red Cross workers. They should be returned safely now, and those who captured them should be brought to justice and held responsible,” dagdag pa ni Amb. Kenney na kabilang sa dumalo sa Vin d’ Hon­ neur sa Malacanang.

Kahapon ay bumuo na ang Philippine Natio­nal Police (PNP) ng isang Task Force ICRC upang tutukan ang imbestigas­yon sa pagdukot sa tat­long ICRC volunteers na sina Swiss national An­dreas Notter, Italian national Eugenio Vagni at Filipina na si Mary Jean Lacaba at tukuyin ang mga dapat papanagutin. 

Una nang tinukoy ng pulisya si Raden Abu, ang sinibak na tauhan ng Sulu Provincial Jail na kasab­wat umano ng Abu Sayyaf Group sa pagdukot sa mga biktima.

Si Abu ay itinuro ng ilang testigo na siya uma­nong humarang sa behi­kulo ng Philippine National Red Cross (PNRC) na sina­sakyan ng tatlo ng araw na bihagin ang mga ito sa Pati­kul, Sulu noong Enero 15.

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

AMBASSADOR KRISTIE KENNEY

EUGENIO VAGNI

INTERNATIONAL COMMITTEE OF THE RED CROSS

INTERNATIONAL RED CROSS

MARY JEAN LACABA

PHILIPPINE NATIO

PHILIPPINE NATIONAL RED CROSS

RADEN ABU

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with