^

Bansa

Red Cross workers baka patayin: Wag kaming tugisin

- Nina Malou Escudero, Joy Cantos at Rudy Andal -

Pinangangambahang patayin ng mga bandi­dong Abu Sayyaf ang kinidnap nilang mga kagawad ng International Committee of the Red Cross sa pagpa­patuloy ng pagtugis sa kanila ng mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines.

Lumitaw ang pa­ngam­bang ito kasabay ng pahayag kahapon ni Senador Richard Gordon na hiniling ng mga kidnaper na itigil ng militar ang pagtugis sa kanila.

Nilinaw agad ni Gordon na hindi kontrolado ng Red Cross ang ga­law ng militar na patuloy ang paghahanap sa mga biktima na kinidnap noong nakaraang linggo.

Maayos naman uma­no ang kalagayan ng mga biktima at hindi rin sila sinasaktan ng mga dumukot sa kanila.

Nilinaw din ni Gordon na walang balak ang Philippine National Red Cross at ang ICRC na magbigay ng ransom sakaling humingi nito ang mga kidnappers.

Kabilang sa mga ki­nidnap ng mga bandido sa Sulu sina Andreas Notter, 38, ng Switzerland; Eugenio Vagni, 62, ng Italy; at Mary Jean La­caba, 37, isang Pili­pina.

Kaugnay nito, sinabi kahapon ni Sulu Provincial Police Office Chief Superintendent Julasi­rim Kasim na kilala na nila ang limang kidnapper ng mga taga-Red Cross.

Isa sa mga kidnappers ay ang dinismis na jailguard na si Raden Abu, ang itinuturong humarang sa behiku­long sinasakyan ng mga biktima bago ito tina­ngay ng mga armadong bandido.

Kabilang pa sa mga kidnappers sina Abu Sayyaf Commanders Albader Parad, Sulai­man Patah at dalawang iba pa na kasamahan ng mga ito na aktibong kumikilos sa Sulu.

Maliban kay Parad kabilang pa sa lider ng mga bandido na namu­mugad sa Sulu ay sina Abu Jumdail alyas Doc Abu at Radulan Sahiron alyas Commander Pu­tol.

Sa kasalukuyan ay puspusang ginagalugad ng Joint Task Force Comet na pinamumu­nuan ni Major Gen. Juancho Sabban ang lugar na pinagtataguan ng mga kidnappers sa kagubatan ng Indanan at Jolo, Sulu.

Samantala, sinabi ni Deputy Presidential Spokesman Anthony Golez na iginagalang ng Malacanang ang news blackout na ipinapatu­pad ng AFP kaugnay ng operasyon para sagipin ang mga biktima.

Makakatulong anya ito para mailigtas ang tatlo.     

Idiniin naman ng Philippine National Police na hindi maituturing na news blackout ang na­turang patakaran dahil kapakanan at kaligta­san lang ng mga biktima ang isinasaalang-alang sa operasyon.

ABU JUMDAIL

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF COMMANDERS ALBADER PARAD

ANDREAS NOTTER

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

COMMANDER PU

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESMAN ANTHONY GOLEZ

RED CROSS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with