DOH umalerto versus US food na may peanut butter
Nakaalerto ngayon ang Department of Health (DOH) kaugnay sa ulat na may mga produktong pagkain na nagtataglay umano ng Salmonella na nagdulot na ng outbreak sa 43 estado sa Amerika at nakapambiktima na ng 470 katao, 6 dito ay namatay.
Partikular dito ang produkto ng Kellog Co. na napaulat na boluntaryong bumawi sa kanilang mga produkto sa mga pamilihan upang suriin kung kontaminado ng Salmonella, isang bacteria na nagdudulot ng pagkalason at typhoid fever.
Sinabi ni Dr. Eric Tayag, director ng DOH-National Epidemiology Center (NEC), pinag-aaralan na nila sa kasalukuyan ang pag-aksiyon sa health advisory na ipinaskil ng US Food and Drug Administration (FDA) sa kanilang website, na binawi ng Kellog Co. ang kanilang mga produkto.
Inaalam na rin ng Bureau of Food and Drugs (BFAD) kung rehistrado sa kanilang data base ang mga produkto ng nasabing kumpanya.
Kahit umano hindi rehistrado sa data base ang produkto, magpapakalat pa rin ng field investigators ang BFAD upang tiyakin kung may ibinebenta nito sa mga pamilihan.
Inalerto na rin ng DOH ang publiko na umiwas sa pagkain ng mga produktong kabilang sa binawing Kellog Co. na na-iproduce mula noong Hulyo 1, 2008. Posible rin umanong mabili ang mga imported food products stores dito at magmula sa mga padala ng mga kaanak sa Amerika at ibang bansa ang nasa bing produkto.
Kabilang dito ang Austin Quality Foods Cheese Crackers with Peanut Butter (all sizes); Austin Quality Foods Cheese & Peanut Butter Sandwich Crackers (all sizes); Austin Quality Foods Mega Stuffed Cheese Crackers with Peanut Butter (all sizes); Austin Quality Foods PB & J Cracker Sandwiches (all sizes); Austin Quality Foods Super Snack Pack Sandwich Crackers; Austin Quality Foods Chocolate Peanut Butter Sandwich Crackers (all sizes); Austin Quality Foods Toasty Crackers with Peanut Butter (all sizes);
Austin Quality Foods Reduced Fat Cheese & Peanut Butter Sandwich Crackers; Austin Quality Foods Reduced Fat Toasty Crackers with Peanut Butter Sandwich Crackers; Austin Quality Foods Cookie/Cracker Pack; Austin Quality Foods Variety Pack; Keebler Cheese & Peanut Butter Sandwich Crackers (all sizes); Keebler Toast & PB’n J Flavored Sandwich Crackers (all sizes); Keebler Toast & Peanut Butter Sandwich Crackers (all sizes); Famous Amos Peanut Butter Cookies (2- and 3-ounce); at Keebler Soft Batch Homestyle Peanut Butter Cookies (2..5-ounce).
Batay sa US advisory, iniimbestigahan umano doon ng FDA ang Peanut Corporation of America (PCA), supplier ng peanut paste ng Kellog, na sangkap ng mga Austin at Keebler products. Kasabay ng payo sa publiko na mag-ingat sa pagkain ng cookies, cake, ice cream at iba pang uri ng pagkain na may sangkap na peanut paste at peanut butter.
- Latest
- Trending