PNP Badge of Honor Foundation tuloy sa kawanggawa

Pinagkalooban ng Philippine National Police Badge of Honor Foundation, Inc. ng cash donation si Supt. Hanzel Marantan, isang bemedalled police officer na namuno sa serye ng operasyon at mata­gumpay na nagapi ang mga highway robbery syndicates, kabi­ lang na ang kilabot na Waray Waray group sa naganap na ‘shootout’ sa Paraña­que City.

Ayon kay Senior Supt. Benjamin delos Santos, corporate secretary ng foundation, si Marantan ay sumailalim sa ‘major operation for multiple herniated slipped discs.’

“The foundation is making true its promise to help cops who are in need. Ma­rantan is no ordinary police officer. We value and honor his service to the public. This is the only way we can repay him for his sacrifices,” pahayag ni delos Santos na isa ring abogado.

Kaugnay nito, lubos na­man ang ginawang pasa­salamat ni PNP Chief Director General Jesus A. Verzosa sa foundation sa ipinagkaloob na medical assistance kay Marantan. (Joy Cantos)

Show comments