^

Bansa

Pulitika wala pa sa plano ni Puno

-

Wala pa umano sa pla­no ni Supreme Court (SC) Chief Justice Rey­nato Puno na pumasok sa pulitika.

Ayon sa Punong Ma­his­trado, kuntento na umano siya bilang ta­gahikayat para sa pagbuo ng “moral force” upang maresolba ang prob­lema sa bansa kaysa ma­ging presidential aspirants sa 2010.

Ang reaksyon ni Puno ay bunsod sa sinabi ni Senador Panfilo Lacson na handa siyang tu­mak­bong bise-presidente kung tatak­bong presi­dente ang Pu­nong Ma­histrado.

“I don’t want to be pretentious, I will be happy if I will just be a catalyst of this movement. I am willing to be one of the foot soldiers. But perhaps it may not be appropriate to take leadership while I am in the government acting as Chief Justice,” sinabi pa ni Puno.

Nabatid na si Puno ay magreretiro sa mandatory age na 70 sa 2010. Nag­pasalamat naman ito kay Lacson dahil sa ginawa nitong endorsement.

Idinagdag pa ni Puno na kinunsulta na niya ang kanyang advisers kung paano tutugon sa pana­wagan ni Lacson.

Tinukoy naman ng Pu­nong Mahistrado ang kan­yang council of advisers, ang kanyang mga apo na may edad na 7, 5 at 4 taong gulang dahil may moral force ang mga ito. (Gemma Amargo-Garcia)

AYON

CHIEF JUSTICE

CHIEF JUSTICE REY

GEMMA AMARGO-GARCIA

LACSON

PUNO

PUNONG MA

SENADOR PANFILO LACSON

SHY

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with