^

Bansa

Ban sa tingi ng sigarilyo hingi

-

Hiniling kahapon ng isang non-government group kay Manila Mayor Alfredo Lim ang pagba­bawal ng pagbebenta nang tingi sa mga sigaril­yong itinitinda sa lunsod.

Ginawa ng The Frame­work Convention on Tobacco Control Alliance- Philippines ang panawa­gan upang maiwasan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kabataang naninigarilyo lalo na iyong mga estudyante sa high school.

Anila, dapat mahigpit na ipatupad ang Republic Act 9211 o mas kilala bilang Tobacco Regulation Act lalo na sa mga ka­bataan.

Nais din ng FCAP na ipagbawal ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pagtitinda ng sigaril­yo sa layong 100 metro mula sa mga paaralan, parke at iba pang mga lugar na madalas tamba­yan ng mga kabataan.

Ikinatuwiran ng FCAP na masyadong “affordable” ang sigarilyo kung ito ay nabibili nang “tingi” lamang kaya maraming estudyante ang nakaka­bili nito at kalaunan ay lulong na sa bisyo.

Gayunman, hiniling din ng FCAP na bigyan ng ibang uri ng hanapbuhay ang mga cigarette vendors sa lansangan kung sakaling patitigilin ang mga ito sa pagbebenta ng mga tinging sigarilyo.

Layon ng FCAP na hindi maging madali sa mga kabataan na maka­bili sa murang halaga ng anumang brand ng siga­rilyo. Sinabi pa nila na ang ganitong kampanya ay isang mabisang pa­raan para maputol ang bisyo ng paninigarilyo ng mga kabataan.

Ayon kay FCAP Executive Director Dr. Ma­ricar Limpin, kulang pa ang nakukuhang buwis ng gobyerno mula sa mga kompanya ng sigarilyo para ipantustos sa pag­papagamot sa mga Pili­pino na nakakakuha ng sakit mula sa sigarilyo.

Batay sa datus, noong 2005-2006 ay nakako­lekta ang gobyerno ng halagang P92 bilyon mula sa mga kompanya ng sigarilyo ngunit gumastos naman ang gobyerno ng halagang P276 bilyon para sa pagpapagamot ng mga Pilipino na naka­kuha ng sakit dito.

Sinabi pa ni Limpin na tumataas ang bilang ng mga nagkakasakit ng lung cancer, heart attacks, stroke at iba pang sakit sa baga bunsod ng paninigarilyo. (Grace dela Cruz)

ANILA

AYON

DR. MA

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

REPUBLIC ACT

SHY

SINABI

TOBACCO CONTROL ALLIANCE

TOBACCO REGULATION ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with