Poder ng BFP pinalakas
May kapangyarihan na ngayon ang Bureau of Fire Protection na magpasara ng mga gusali na “fire hazards” makaraang pumasa na sa Kongreso at pirmahan ni Pangulong Arroyo ang bagong Fire Code of the Philippines na nagbibigay ng dagdag na pangil sa ahensya.
Sa ilalim ng bagong Republic Act 9514 o Fire Code of the Philippines, sinabi ni Department of Interior and Local Government Undersecretary for Public Safety Atty. Marius Corpus na maraming probisyon ang nabago at nadagdag kumpara sa lumang batas na Presidential Decree 1185.
Kabilang dito ang kapangyarihan ngayon ng BFP na magpasara ng mga gusali na paulit-ulit lumalabag sa batas na dating nasa otoridad ng lokal na pamahalaan na nakakasakop sa establisimiyento. Nabatid na sa lumang batas, tanging rekomendasyon lamang ang papel ng BFP habang ang alkalde o gobernador ng isang bayan, lungsod o lalawigan ang may kapangyarihan na magpasara ng establisimiyento. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending