^

Bansa

Impeachment laban sa Chief Justice tinutulan

-

Ilang mataas na mi­yembro ng House of Representatives ang nag­pahayag kahapon na tu­tutulan nila ang anumang hakbang na mapatalsik sa puwesto si Supreme Court Chief Justice Rey­nato Puno.

Sinabi nina Iloilo Rep. Art Defensor at Pa­ra­ñaque Rep. Ed Zial­cita sa isang pana­yam sa te­lepono na walang mang­yayari sa napaulat na pagsa­sampa ng ilang sektor ng impeachment complaint laban kay Puno kapag bumalik na sa regular session ang Kon­greso sa Enero 19.

Wala anilang basi­han ang naturang impeachment na ang isa sa dahi­lan umano ay ang hindi pagpapatu­pad ni Puno sa isang en banc decision ng Supreme Court noong Hulyo 15, 2008 na pu­ma­pabor sa diskuwa­lipi­kasyon kay Negros Oriental Rep. Limkai­chong.

Ayon pa kay Defensor, tagapangulo ng rules committee ng House, hindi niya su­su­portahan ang impeachment laban kay Puno.

Kinampihan ni Zial­cita si Defensor sa pag­sa­sabing mahina ang mga ibinibintang laban sa punong ma­histrado. (Butch Quejada)

ART DEFENSOR

BUTCH QUEJADA

ED ZIAL

HOUSE OF REPRESENTATIVES

ILOILO REP

NEGROS ORIENTAL REP

PUNO

SHY

SUPREME COURT

SUPREME COURT CHIEF JUSTICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with