^

Bansa

Abogado ng Alabang boys umamin

- Butch M. Quejada -

Mismong pamilya uma­ no ng mga tinaguriang “Alabang boys” ang nag­tangkang manuhol ng mil­yun-milyong piso sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para ilag­lag ang kaso laban sa mga drug suspek.

Sa isinagawang pag­dinig kahapon ng House committee on drugs kaug­nay sa P50-M bribery scandal, ibi­nunyag ni Major Ferdinand Marcelino, hepe ng Special Operation sa PDEA at team leader ng grupo, na pag­kaaresto nila sa mga sus­pek ay tinawa­gan siya ng isang “Joe Tec­son” na nag­pakilala uma­nong kamag-anak ng isa sa mga suspek at inalok ng milyun-milyon para ilaglag ang kaso na tinanggihan naman umano ng opisyal.

Ang grupo ni Marcelino ang nag-entrap at uma­resto sa mga suspek na sina Richard Santos Bro­dett, Jorge Jordana Joseph at Joseph Ramirez Tecson.

Nabulgar din na mis­mong abogado ng Alabang boys na si Atty. Felixberto Verano ang sumulat ng “draft” ng release order at ipinadala sa opisina ni Justice Sec. Raul Gonzalez.

Inamin kahapon ng sek­retarya ni Justice Un­der­secretary Ricardo Blanca­flor na si Janet Payoyong na nakatanggap ito ng isang selyadong envelope noong December 23, 2008 mula kay Atty. Verano kung saan ito ay naglalaman ng “order” at ng tanungin   umano niya si Blancaflor ay inatasan lamang siya nito na kausapin na lamang si State Prosecutor John Resado, piskal na nakata­laga sa nabanggit na kaso.

At dito ay sinabi naman umano sa kanya ni Resado na dalhin ang nabanggit na order sa opisina ni Secretary Gon­zalez.

“Ang sabi po niya sa akin may usapan na sila ni Sec. Gonzalez tungkol dyan (release order).

Gayunman, inamin ni Blancaflor na nakipag-usap siya kay Verano at sa pa­milya ng mga nasabing aku­sado ngunit hindi uma­no ito dapat bigyan ng ma­samang kahulugan dahil ang ginawa umano niya ay hindi naman pumapabor sa mga ito.

Kasunod nito ay inamin din ni Blancaflor na naki­ pag-usap din umano si Gonzalez kay Verano at sa pamilya ng mga akusado ngunit hindi naman umano pinayagan ng Kalihim na ma­palaya ang mga ito.

Samantala, inamin na­man ni Atty. Verano na siya ang naghanda ng resolution noong Disyembre 23, na ipinadala niya sa tang­gapan ni Blancaflor upang makarating ito kay Secretary Gonzalez.

Inamin pa nito na nag­mamakaawa siya sa pirma ni Gonzalez kaya ginawa niya ang draft resolution at nangangamba rin si Verano na wala nang pumasok ng Disyembre 24 kaya hinabol niya ito ng Disyembre 23.

Aminado din si Verano na hindi normal na ang isang abogado ay gumawa ng draft resolution subalit pinabulaanan nito na ini­impluwensiyahan niya ang desisyon.

Sinabi naman ni Para­ñaque Rep. Roilo Golez na puwedeng ma-disbar si Ve­rano dahil sa ginawa nito.

ALABANG

BLANCAFLOR

DISYEMBRE

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

FELIXBERTO VERANO

GONZALEZ

SHY

VERANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with