^

Bansa

Libu-libong Pinoy student 'di makakapasok sa kolehiyo

-

Libu-libong estud­yan­teng Pilipino ang hindi na makakapag-aral sa kole­hiyo dahil naglaho ang perang ipinuhunan ng kanilang mga magulang sa mga pre-need firms o seguro.

Ito ang ibinabala kaha­pon ni Trade Union Congress of the Philippines Secretary-General at dating Senador Ernesto Her­rera na bumatikos sa pam­bibimbin ng Senado at ng Kamara de Representante sa pagpa­ patibay ng panu­kalang Preneed Industry Code.

Pinuna ni Herrera na kabilang sa apektado ng pagbagsak ng Legacy Con­solidated Plans Inc. ang libo-libong Pilipinong karamihan ay ordinaryong empleyado at overseas Filipino worker.

Dapat anyang magma­dali ang mga mambabatas para mapangalagaan ang mga nagpapaseguro o plan holder.

Sinabi ng dating sena­dor na, hanggang sa kasa­lukuyan, walang protek­syon ang mga nagpapa­seguro sa oras na malugi o bumagsak ang kumpan­yang nagbenta sa kanila ng seguro o insurance.

Sinabi ni Herrera na, ayon sa report ng Securities and Exchange Commission, 29 sa 83 preneed firms na nakarehistro mula 1977 hanggang 1999 ang pumalya o huminto ng ope­rasyon. Naiwang nakata­nga ang libu-libong plan holder.

Sa panukalang Pre­need Industry Code na nakabimbin sa dalawang kapulungan ng Kongreso, magkakaroon ng comprehensive regulatory framework na magtitiyak sa ma­tagalang katatagan at pag­papalawak ng indus­triya ng seguro.

Binanggit ni Herrera na kinakatawan ng mga pre­need plans ang pangarap ng daan-libong mga Pili­pino na mapagtapos nila sa kolehiyo ang kanilang mga anak. (Mayen Jaymalin)

HERRERA

INDUSTRY CODE

LEGACY CON

MAYEN JAYMALIN

PLANS INC

PRENEED INDUSTRY CODE

SECURITIES AND EXCHANGE COMMISSION

SENADOR ERNESTO HER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with