199 sugatan sa paputok

Sinabi kahapon ng Department of Health na umakyat na sa 199 hang­ gang kahapon ang bilang ng mga na­suga­tan sa paputok mula noong Disyem­bre 21.

Gayunman, sinabi ng DOH na mas ma­baba pa rin ito kum­para sa mga nasu­gatan sa na­bang­git na mga petsa ng taong 2007.

Ayon sa DOH, 78 por­siyento ng mga na­suga­tan ay nasa Me­ tro Manila at pawang mga lalake na nagka­ka­edad nang mula walo hang­gang 78 taong gulang.

May 25 naman sa mga nasaktan ang na­sugatan sa mata dahil sa paggamit ng piccolo.

Tatlo pa sa sugatan ang tinamaan ng ligaw na bala at isa ang na­ka­lunok ng watusi. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments