Dengue, typhoid at cholera isinisi sa global warming

Ang global warming ang dahilan ng pag­taas ng bilang ng kaso ng pagkakaroon ng sakit na dengue, typhoid fever at cholera ngayong taon.

Ito naman ang idi­niin kahapon ni Health Secretary Francisco Duque sa panayam ng DZBB kung saan sina­bi nito na lumitaw ito sa kanilang datos.

“Ang mga banta ng global warming ay na­giging totoo at nasasa­lamin ito sa mga epi­dem­ya na di natin ina­asahan mangyari pero nangyari na,” ani Du­que.

Dahil dito, sinabi ni Duque na mas dapat na magtulungan ang pa­mahalaan at mama­mayan upang labanan ang pagkalat ng sakit sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga kapaligiran at ang ma­linis na suplay ng tu­ big.

Kasabay nito, tini­yak naman ni Duque na ginagawa ng DOH ang lahat upang ma­big­yan ng maayos na medical services ang publiko kung saan ka­bilang na dito ang pag­papatupad ng Chea­per Medicines Act sa taong 2009 at ang pagsasa­ayos ng mga kagami­tan sa lahat ng government hospitals.

Matatandaang una nang nagbabala ang World Health Organization na posibleng palalain umano ng global warming ang mga nasabing sakit. (Doris M. Franche)

Show comments