Mackerel bawal nang hulihin
Ipinagbabawal na ng gobyerno ang paghuli, pagpatay at pagbibenta ng isdang sardines, herring at mackerel sa karagatan ng Visayas.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), ang hakbang ay bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na protektahan at i-preserba ang marine species sa isa sa pinaka-mayamang tahanan ng isda sa bansa.Matatapos ang temporary ban na ito sa Marso ng susunod na taon.
Saklaw nito ang mahigit kalahati ng 10,000 square meter Visayan sea, isang mayamang fishing ground dahil sa pagkakaroon nito ng mababaw na tubig na matatagpuan kadalasan sa Northern Negros at Northern Iloilo.
Ang sinumang lalabag sa pagbabawal na ito ay pagbabayarin ng P500 hanggang P5,000 o pagkakakulong ng mula 6 na buwan hanggang 4 na taon. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending