^

Bansa

Pacman target ng bomba sa Gensan

- Joy Cantos -

Target umano ng bom­bang natagpuan sa General Santos City sa South Cotabato ang birthday ng pambansang kamao na si Manny “Pacman“ Pac­quiao.

Ito ang isa sa lumilitaw kaugnay ng patuloy na isinasagawang imbesti­gas­yon ng Joint Task Force Gensan sa pag­ka­katagpo sa eksplosibo.

Ang narekober na Improvised Explosive Device (IED) noong Disyem­bre 18 ay pinaniniwa­laang na­bigong maitanim sa bonggang selebras­yon ng kaarawan ni Pac­man sa KCC Convention Center na dinaluhan ng mga pangunahing perso­nalidad sa gobyerno ka­bilang si Pangulong Arroyo noong Disyembre 17.

Naniniwala si Capt. Amerigo Cope, tagapag­salita ng Joint Task Force-Gensan, na doon na mismo ini-assemble sa Room-16 ng Zabala Sanitary Lodge ang IED na natagpuan noong Dis­yem­bre 18 ng hapon.

Wala pang matukoy na suspect ang Task Force Gen­san sa natag­puang bomba kung saan tatlo katao umano ang nag­check-in sa nasabing lodge at ang pangalang Mike Sangki lamang ang ipinalis­ ta ng mga ito sa kahera ng nasabing lodging inn.

Magugunitang inila­gay sa isang baunan ang bomba at kinabitan ng wire at isinaksak sa kur­yente pero nabigo ang mga suspect sa kanilang balakin dahil sa maigting na pagpapatupad ng se­guridad ng mga awtoridad sa lungsod.

Isasabay sana umano ang pag-atake sa araw mis­mo ng bonggang birth­day celebration ni Pac­quiao.

AMERIGO COPE

CONVENTION CENTER

GENERAL SANTOS CITY

IMPROVISED EXPLOSIVE DEVICE

JOINT TASK FORCE GENSAN

JOINT TASK FORCE-GENSAN

MIKE SANGKI

PANGULONG ARROYO

SHY

SOUTH COTABATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with