Immigration office bukas sa December 30
Inihayag ng Bureau of Immigration (BI) na bukas ang main office nito sa Intramuros, Manila sa Dec. 30, o sa Rizal Day.
Ngunit sinabi ni BI Commissioner Marcelino Libanan na sarado ang tanggapan ng ahensiya sa Dec. 31, taliwas sa unang naipahayag.
Ayon kay Libanan, nagpasya ang pamunuan na baguhin ang schedule upang bigyan ng pagkakataon ang mga empleyado at opisyal ng BI ng panahong maka sama ang pamilya sa pagdiriwang ng Bagong Taon.
Bago rito, inatasan ni Liba nan ang division at section chiefs ng ahensiya na maglagay ng skeletal force na magbabantay sa kani-kanilang mga tanggapan sa December 26 at 29, na idineklara ng Malacañang bilang special non-working holidays.
Resulta nito, maaari nang makipagtransaksiyon sa ahensiya ang mga dayuhan na nais magpalawig ng kanilang tourist visas o mag-update ng pananatili sa bansa sa mga nasabing araw.
“The three-day work schedule will be of particular benefit to foreign tourists whose visas may have expired but who for emergency reasons have to immediately leave the country to attend to pressing matters abroad,” wika ni Libanan.
Ang mga BI offices na maglalagay ng skeletal force ay ang office of the commissioner, visa extension office, alien registration division, immigration regulation division, intelligence division, administrative division at ang law and investigation division.
“Foreigners who wish to apply for a change of their immigration status, dual citizenship or issuance or renewal of their ACR I-Cards or can also do so on the mentioned dates,” wika ni BI technical staff chief Manuel Ferdinand Arbas.
Sinabi rin ni Arbas na magtatalaga ang intelligence division ng BI ng isang grupo ng operatiba na handang tumugon sa anumang emergency o magsagawa ng operasyon kung kinakailangan. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending