^

Bansa

Ebola experts darating sa Pinas

-

Nakatakdang dumating sa bansa ang grupo ng mga eksperto ng sakit na “ebola reston virus” na kumalat sa ilang lugar ng babuyan sa Pilipinas mula sa Food and Agriculture Organization (FAO) ng United Nations.

Ayon sa Bureau of Animal Industry (BAI), kanilang iimbitahan ang mga ebola experts sa kanilang pag­ dating sa Maynila upang mag-imbestiga sa pagkalat ng ‘ebola reston virus’ sa ilang lugar sa bansa.

Bagaman muling iginiit ng BAI na ligtas pa ring ka­inin ang mga karneng ba­boy sa bansa ngayong na­lalapit na Kapaskuhan, nais pa rin nilang malaman kung saan nagmula ang nasa­bing sakit na nakakahawa sa mga baboy at kung pa­ano ito mapipigilan ang pagkalat.

Nilinaw ni BAI Director Dave Catbagan na baga­mat napatunayan na naha­wa ang mga baboy sa ebola reston virus ay hindi naman aniya ito delikado at nakakaapekto sa tao.

Kaugnay nito, mahigpit na minamatyagan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang pagpa­sok ng anumang imported meats na posibleng nagta­taglay ng nasabing sakit. (Ellen Fernando)

AYON

BAGAMAN

BUREAU OF ANIMAL INDUSTRY

BUREAU OF CUSTOMS

DIRECTOR DAVE CATBAGAN

ELLEN FERNANDO

FOOD AND AGRICULTURE ORGANIZATION

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

SHY

UNITED NATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with