Mas maraming kababaihan umano sa ngayon ang mas nanaisin pang hindi makipagtalik kaysa pagbawalan silang gumamit ng internet.
Sa survey ng Harris, isang international online research firm, sa 2,119 adults, lumilitaw na may 46 percent ng mga kababaihan sa ngayon ang mas gugustuhin pa umanong hindi makipagtalik ng dalawang linggo kaysa mamuhay o lumipas ang mga araw na walang internet.
Sa nasabing survey ay kabaligtaran naman ang naging reaksiyon ng mga kalalakihan na nagsasabing mas pipiliin nila ang pakikipagtalik kesa sa internet habang 30 percent ay mas gustong makipag-intimate relationship kesa sa cyber relationship.
Sa mga isinalang naman sa pagtatanong sa nasabing survey na ginanap noong November 18-20, 2008, may 95% ang nagsasabi na lubhang napaka-halaga ng internet access sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Samantala, 65% ang mas ginugugol ang kanilang atensiyon at gastusin sa internet, 39% sa cable television subscriptions, 20% sa dining out, 18% sa shopping for clothes at 10% lamang ang mas pinapahalagahan ang kanilang health club membership.
May 61% naman sa mga kababaihan ang mas ipagpapalit ang dalawang linggong panonood sa TV kesa isang linggong pag-access sa internet. (Rose Tesoro)