Kabataan hindi nagbabasa ng Bible
Ibinunyag ni Archdiocese of Manila Biblical Apostolate Chairman Fr. Tony Navarette na maraming mga Pilipino partikular ang mga kabataan ay bina balewala ang pagbabasa ng Bibliya.
Ayon kay Fr. Navarette, nakalulungkot isipin na mas abala pa ang tao sa mga makamundong bagay kaysa pag-aralan ang mga salita ng Diyos na puwedeng magamit sa kanilang pagpapasya at pakiki-salamuha sa kapwa.
Hindi aniya nakagugulat kung bumagsak man ang moralidad at political status ng bansa dahil na rin sa pagbalewala ng tao sa mga salita ng Panginoon.
Una rito, inilunsad ng Archdiocese of Manila ang “Biblia Festival 2008” sa Manila Cathedral, Intramuros, Manila.
Target ng festival na mahimok ang mga mananampalatayang Katoliko na basahin at isabuhay ang diwa na isinasaad ng Bibliya. (Doris Franche)
- Latest
- Trending