^

Bansa

Birthday ni Pacman blockbuster din

-

Isang araw bago ang bigtime birthday celebration ni pound-for-pound boxing champion Manny “Pacman” Pac­quiao ay fully-booked na ang malalaking hotel sa General Santos City para dumalo ang VIP guests nito sa kanyang kaarawan bukas.

Gaganapin ang bong­gang birthday celebration ni Pacquiao sa KCC Convention Center sa lung­ sod na ito bukas.

Kabilang sa VIP guests ni Pacquiao ay si Pangulong Gloria Ma­ca­pagal-Arroyo kasama ang ilang matataas na opisyal ng pamahalaan kabilang sina Environment Secretary Lito Atienza, National Security Deputy Director Chavit Singson, at iba pang opisyal ng pama­halaan at ng militar at pulisya.

Sinabi ni Michael Bren Evangelio, personal secretary ni Pac­quiao, inaasahan ding bisita ng pamban­sang kamao sa kan­yang ka­arawan ang mga na­kalaban nito na sina Marco Antonio Barrera, David Diaz at Edwin Valero na personal na inimbitahan ng popular na boksingero.

Inaasahan na aabot sa mahigit 1,800 ang magiging panauhin ni Pacquiao para sa kan­yang bonggang birthday celebration bukas.

Para naman sa mga fans at kababayan ni Pacman ay maghahan­da din ang pambansang kamao sa Oval Plaza kung saan ay inaasa­hang aabot naman sa 8,000 pack meals ang ipapamigay ni Pac­quiao.

Mag­bibigay ng entertainment ang sikat na lead vocalist ng international band na Journey na si Arnel Pineda at iba pang ka­ibigan ni Pac­quiao sa showbiz. (Rudy Andal)

vuukle comment

ARNEL PINEDA

CONVENTION CENTER

DAVID DIAZ

EDWIN VALERO

ENVIRONMENT SECRETARY LITO ATIENZA

GENERAL SANTOS CITY

MARCO ANTONIO BARRERA

MICHAEL BREN EVANGELIO

PACQUIAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with