^

Bansa

Pacquiao dinumog ng fans

-

Dinumog ng fans ang Pambansang Kamao na si Manny “Pacman” Pac­quiao sa kanyang pag­dating sa bansa kahapon ng umaga mula Los Angeles matapos ang kanilang “Dream Match” ni boxing world champion Oscar “Golden Boy” dela Hoya.

Paglapag pa lang sa NAIA Terminal 2 ay pinag­kaguluhan na si Pacquiao na sakay ng PAL flight PR-103 kasama sina Deputy National Security Adviser Chavit Singson, DENR Sec. Lito Atienza at ‘Team Pacquiao’.

Kasama sa mga su­malubong ang kanyang dalawang anak na lalaki. Naiwan naman sa US ang maybahay na si Jinky dahil sa maselang kalagayan nito at nakatakdang ma­nganak doon.

Nang tanungin kung sino kina Ricky Hatton at Floyd Mayweather Jr. ang gusto nitong makaharap sa susunod niyang pag­tuntong sa ring, “Mag­hihintay lang ako kung sino ang maghahamon. Mag­papahinga muna ako at magbabakasyon,” wika ni Pacquiao.

Nagpasalamat rin ito sa sambayanang Pilipino sa pagdarasal ng kanyang pagkapanalo at walang sawang pagsuporta. 

Kasunod nito ay nag-courtesy call kay Pangu­long Arroyo si Manny sa Malacanang. Nakasuot ng black long-sleeve at maong si Pacman ng ma­kipagkita ito sa Pangulo sa Music room ng Pa­ lasyo.

Hinirang ng Pangulo si Pacquiao bilang bagong “Ambassador for Peace” dahil na rin sa tuwing laban nito ay malaki ang epekto sa kaayusan at katahi­mikan ng bansa. 

Ito ay base sa assessment ng Philippine National Police na “zero crime” rate sa tuwing may laban ang Pambansang Kamao.

Binigyan ng cake ng mga chef ng Malacañang si Pacman bilang pagkilala sa tagumpay nito.

Nagbigay naman si Manny ng replica ng WBC belt na pinirmahan niya bilang regalo nito kay Pangulong Arroyo.

Dumaan din sa Maba­bang Kapulungan ng Kon­greso si Pacquiao kung saan binigyan siya ng pa­rangal ng mga mamba­batas.

Bago nagtungo ng Malacañang ay nagsimba muna si Manny sa Quiapo church para sa isang thanksgiving. 

Ngayong araw ay may pagkakataon na ang mga fans ng Pacman na makita ito dahil gaganapin nga­yong umaga ang “grand victory parade” para kay Pacquiao na dadaan sa mga piling lugar sa Que­zon City, Manila, Makati at Pasay na magtatapos sa SM Mall of Asia. (Rudy Andal//Ellen Fernando/Butch Quejada/Doris Franche)

vuukle comment

BUTCH QUEJADA

DEPUTY NATIONAL SECURITY ADVISER CHAVIT SINGSON

DORIS FRANCHE

DREAM MATCH

ELLEN FERNANDO

FLOYD MAYWEATHER JR.

PACMAN

PACQUIAO

PAMBANSANG KAMAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with