Nakapuntos kaha pon si dating Agriculture Undersecretary Jocelyn “Jocjoc” Bolante matapos pagbigyan kahapon ng Supreme Court ang petisyon nito para sa writ of habeas corpus.
Sa 3 pahinang resolusyon, inatasan ng kataas-taasang hukuman ang Court of Appeals na agad na i-raffle ang petisyon ni Bolante ngayong araw at kasunod nito ay itinakda sa Disyembre 12, 2008, ganap na alas 10:00 ng umaga ang pagdinig.
Inatasan din nito ang Senado na iharap sa nasabing pagdinig si Bolante.
Kinuwestiyon ni Bolante ang ginawang pag-aresto sa kanya ng Senado dahil lamang sa hindi ito nagpapahayag ng katotohanan sa kanyang mga testimonya sa naging pagharap nito sa Senate Inquiry kaugnay ng fertilizer fund scam.
Iginiit ni Bolante na itinanggi sa kanya ang due process nang arestuhin ito ng Senado sa kabila ng pagdalo niya sa hearing kung saan nagsilbi na umanong judge at executioner ang mga senador na hindi sya pinagbigyan na depensahan ang kanyang sarili.