'Zero crime' ulit sa Pacquiao-dela Hoya
Gaya ng inaasahan at nakagawian ng lahat ng mga Pinoy sa tuwing may laban ang “Pambansang Kamao” na si Manny Pacquiao, muling naging mapayapa at walang anumang krimen na ini ulat sa alinmang himpilan ng pulisya sa Kalakhang Maynila at iba pang karatig nitong lalawigan sa kasagsagan ng kanilang paghaharap ni Oscar dela Hoya.
Naging maluwag din ang mga lansangan sa bansa dahil wala halos bumiyahe at kakaunti ang mga pumasada.
Aminado naman ang Northern Police District na malaki ang partisipasyon ng laban nina Pacquiao at dela Hoya sa pagbaba ng krimen sa bahagi ng CAMANAVA area.
Maoobserbahan sa mga police blotter sa mga presinto na walang masyadong naka-record na insidente ng karahasan dahil naniniwala ang pulisya na maging ang mga kriminal ay naging abala sa panonood ng laban at pinagpaliban muna ang paggawa ng krimen. (Rose Tesoro/Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending