^

Bansa

Mga residente tutol sa pagwatak ng barangay

-

Malakas ang pag-tutol ng mga Residente ng Barangay San Lorenzo Makati matapos malaman na gumawa umano ng resolution ang mga Kagawad nito na sumasang-ayon sa pagwatak ng kanilang Barangay.

Ayon sa mga residente, wala umanong konsultasyon na naganap upang ipatupad ang resolution na pinir­mahan daw ng mga Kagawad.

Ang layunin ng Ordinansa bilang 2008-001 na ipinasa ng Konseho ng Makati, ay ilipat ang ibang porsyon ng Barangay San Lorenzo sa mga katabing Barangay Bangkal at Barangay Pio del Pilar.  Ang mga lugar na maaapektuhan ay ang Botanical Garden sa harap ng Makati Medical Center, Ecology Village at Don Bosco sa Pasong Tamo, Cinema Square at lahat ng mga negosyo at gusali sa pagitan ng Pasong Tamo at Amorsolo.

Ayon kay Wendy Taburno, isa sa mga residente ng Botanical Garden na maapektuhan ng nasabing Ordi­nansa, hindi sila tinanong ng mga Kagawad ng Barangay na gumawa at pumirma sa Resolution bilang 89 kung ano ang magiging epekto nito sa kanilang ari-arian at mga negosyo. Pati ang mga nakatira sa Baran­gay San Lorenzo ay nagulat sa pang-pulitikal na galaw ng mga Kagawad, ani Mauricio Martelino, presidente ng Ecology Village.

Kabilang sa mga kagawad na nagpasa umano ng Resolution 89 sina Ernesto Moya, Brigido Sibug, Norman Golez, Guia Flaminiano at Jo­celyn Hernandez. Hindi naman naka-pirma ang Punong Barangay.

Sa panayam kay Joshua Santiago, sinabi ng Punong Barangay na hindi niya talaga gustong pumirma dahil hindi pa nai-tanong sa mga residente kung ano ang kanilang desisyon at opinion sa nasabing Ordinansa. Wala anyang maidudulot na mabuti para sa mga resi­dente ang Ordi­nansa kaya hindi umano siya pumirma sa resolution. 

Pinag-aaralan ngayon ng mga residente at mga apek­tadong negosyante kung ano ang mga kasong pwede nilang isampa.

AYON

BARANGAY

BARANGAY BANGKAL

BARANGAY PIO

BOTANICAL GARDEN

ECOLOGY VILLAGE

KAGAWAD

PASONG TAMO

PUNONG BARANGAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with