^

Bansa

Protesta ng Piston tigil muna dahil Pasko

-

Wala munang gaga­wing mga kilos protesta ang militanteng transport group na Pinag-isang Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston) laban sa mga kum­panya ng langis upang bigyan daan ang ispiritu ng kapaskuhan.

Ayon kay George San Mateo, secretary general ng Piston, pansamanta­lang tigil muna ang kani­lang grupo sa anumang planong protesta laban sa mga oil companies hinggil sa pagbababa sa presyo ng produktong petrolyo at dahil holiday season na­man, mana­natili na lamang silang su­subaybay sa presyo ng petrolyo.

“Pahinga muna pero patuloy kaming magiging vigilant at babantayan namin ang presyo ng langis sa world market at pano ito pinapatupad o nire-reflect ng oil companies sa ating pump price”pahayag ni San Mateo.

Gayunman, sinabi ni San Mateo kung may ma­gaganap na malaki­hang pagbaba sa presyo ng oil products sa world market at walang nag­baba ng presyo nito sa bansa, posibleng gaga­wa sila ng hakbangin para tuligsahin ito.

Sa kasalukuyan ,ang presyo ng produktong petrolyo sa world market ay mababa sa $44 kada bariles at ang average gasoline prices ay uma­abot na lamang sa $1.80 kada gallon. (Angie dela Cruz)

ANGIE

AYON

CRUZ

GAYUNMAN

GEORGE SAN MATEO

OPERATOR NATIONWIDE

PAHINGA

PINAG

SAN MATEO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with