Bolante ipapaaresto ulit ng Senado

Dahil sa patuloy uma­nong pagsisinungaling kaugnay sa P782 milyon fertilizer fund scam, nag­pasya na kahapon ang mga miyembro ng Senate Blue Ribbon Committee na muling ipaaresto si dating Agriculture under­secretary Jocelyn “Joc­joc” Bolante.

Nag-caucus kahapon ang komite kaugnay sa warrant of arrest ni Bo­lante na nauna nang nilagdaan ng 11 senador kasama ang chairman ng komite na si Sen. Richard Gordon.

Ayon kay Gordon, na­pagpasyahan ng mga se­nador na muling ipaaresto si Bolante dahil hindi mag­kakatugma ang kan­yang sinasabi at hindi pa rin ito nagsasabi ng totoo ka­ugnay sa nalustay na pondo ng abono.

Kagabi ay nilagdaan na ni Senate President Juan Ponce Enrile ang arrest order kay Bolante. (Malou Escu­dero)

Show comments