Pasahe sa jeepney P7.50 na!
Simula bukas, Disyembre 1, P7.50 na lang ang minimum na pasahe sa jeepney mula sa ka salukuyang P8 minimum fare.
Sa isang panayam kay Boy Vargas, National President ng 1UTAK na kinabibilangan ng Fejo dap, Altodap, ACTO at MJDA, magbabawas sila ng 50 sentimos mula sa P8 pasahe at magiging P7.50 na lamang ang minimum na pasahe sa jeep bilang pamaskong handog sa publiko.
Anya, kahapon umabot na sa P35 ang halaga ng kada litro ng diesel kaya minabuti nilang maibaba sa 50 sentimos ang pasahe sa jeep na epektibo sa Lunes
“Napag usapan na yan ng mga kasapi ng 1UTAK at umabot naman sa 35 pesos ang ha laga ng krudo kada litro kaya minabuti naming gawing 7.50 na lamang ang minimum na pasahe sa passenger jeep,” pahayag ni Vargas.
Sinabi pa nito na kung sakaling bumaba pa sa P32 ang halaga ng krudo kada litro, posib leng bawasan pa nila ng 50 sentimos ang pasahe at gagawin na lamang P7 ang minimum fare.
Gayunman, sinabi ni Vargas na ang P7 minimum fare ay pag uusapan pa ng 1UTAK bastat ang aprub na nila ay ang P7.50 minimum fare sa kasalukuyan.
Una nang nagpahayag ng kahandaan si ACTO President Efren de Luna na ipatupad ang P7.50 minimum fare na lamang ang pasahe sa jeep.
Maipapatupad sa Me tro Manila ang pagbaba ng pasahe bagaman inaasahang susunod dito kinalaunan ang mga jeepney driver sa mga lalawigan. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending