^

Bansa

Pag-uwi ng 30 minaltratong OFWs sinagot uli ni Villar

-

Binigyan ng welcome party ni dating Senate President Manny Villar ang 30 overseas Filipino worker (OFW) na pawang minal­trato sa Abu Dhabi at nga­yo’y nakauwi ng bansa.

Sinagot ni Villar ang ka­nilang pamasahe sa ero­plano at inasikaso ang ka­nilang pag-uwi. Mismong si Villar ang sumalubong sa kanila sa paliparan kasama ang mga kamag-anak ng mga nakauwing OFWs.

Para sa nalalapit na ka­arawan ni Villar sa Disyem­bre 13 at sa papasok na Kapaskuhan, binigyan pa ni Villar ang mga napauwi niyang OFWs ng masaga­nang tanghalian sa isang native restaurant sa Roxas Boulevard. Tumanggap din sila ng mga regalo sa Senador, na nagbigay pa ng mga raffle prize.

Ang Senador, na naka­kuha kamakailan ng pina­kamataas na satisfaction rating sa hanay ng mga lider ng pamahalaan, ang suma­ got sa transportasyon ng naturang 30 OFWs at sa ka­nilang pamilya pabalik sa kani-kanilang probinsya.

Boluntaryong binaba­likat ni Villar ang gastos sa paglilikas ng OFWs na na­gipit at nagkasakit hindi lang sa Abu Dhabi kundi maging sa Jordan, Bahrain at iba pang bansa sa Gitnang Sila­ngan.

Nagbi­gay din si Villar ng tulong-pangkabuhayan sa mga karapat-dapat na OFWs upang makabangon ang mga ito mula sa masak­lap na sinapit sa ibang bansa.

Ang 30 OFWs ay sina: Ma. Cristina Eti, Verlie Cas­tillo, Elma Pugao, Joy Esta­cio, Maricar Ermita, Mary Grace Borja, Haquir Dudin, Aida Bayan, Salum­bai Ab­dul, Aleli Campo, Ginaria Pakil, Irene Pa­ngon, Maricel Patigayon, Maribeth Sa­lang­sang, Aloha Gumanay, Analyn Sarac, Leonor Ella­cer, Mary Ann Bonzato, Ma­rigel Dio­nela, Liza Plotado, Esme­ralda Ugcal, Laila Talipa­san, Lilibeth Biado, Agnes Aguilar, Nancy Sipin, Mari­tes Abogado, Maricris Cas­tillo, Lynfe Pesales, Sunshine Pineda at Vilma Paat. (Ellen Fernando)

ABU DHABI

AGNES AGUILAR

AIDA BAYAN

ALELI CAMPO

ALOHA GUMANAY

ANALYN SARAC

ANG SENADOR

CRISTINA ETI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with