^

Bansa

Pinoy driver dinukot sa Saudi

-

Isang overseas Filipino worker (OFW) ang iniulat na dinukot, tinorture at halos tatlong linggo na umanong nawawala sa Saudi Arabia.

Batay sa ulat na nakarating sa tanggapan ng Department of Affairs (DFA), patuloy pa ring pinaghahanap ang tsuper na Pinoy na nakilalang si Edgar Aguilar, 40.

Sinasabing Nobyembre 3, 2008 nang unang maiulat na nawawala ito sa Dammam, Saudi Arabia.

Dalawang araw makalipas na iulat itong dinukot ay natagpuan umano ang kanyang minamanehong sasakyan na abandonado sa Nadim, Dammam Road at basag ang bintanang salamin sa driver’s side nito at baklas din ang car stereo.

Nagawa pa umanong makapagpadala ng mensahe ni Aguilar sa kanyang maybahay na si Evelyn, sa pamamagitan ng pagte-text sa cellphone kung saan sinabi nito na siya umano ay dinukot at tinorture.

Batay pa sa ulat, isang Saudi national umano ang naka­kita kay Aguilar sa lalawigan ng Ghassim sa Saudi Arabia. (Mer Layson)

AGUILAR

BATAY

DALAWANG

DAMMAM

DAMMAM ROAD

DEPARTMENT OF AFFAIRS

EDGAR AGUILAR

MER LAYSON

SAUDI ARABIA

SINASABING NOBYEMBRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with