Anak ng Teteng nagbabala sa tiwaling parak

Binalaan kahapon ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. ang mga ti­wali o manlolokong pulis na meron silang pag­lalag­yan o makakatikim ng kas­tigo sa ilalim ng re­pormang ipinatutu­ pad ni Philippine National Police Chief Director General Jesus Verzosa.

“Kaya yung mga loko dyan (tiwaling pulis), anak ng teteng kayo!” ani Revilla sa ka­­­niyang ta­lumpati bi­lang pana­uhing panda­ngal sa flag raising cere­mony ng PNP sa Camp Cra­me ka­hapon.

Ang mga salitang ‘Anak ng Teteng’ ang pinasikat ni Revilla sa isa sa kanyang mga pelikula noong araw.

Sinabi ni Revilla na kilala niya si Verzosa sa pagpapairal ng di­siplina at magan­dang ‘track record’ kaya hindi ito pa­payag na mabahiran ng dungis ang PNP.

Aniya, siguradong may paglalagyan at ka­kalusin ni Verzosa ang mga pulis na nagsisil­bing batik sa magan­dang imahe ng PNP tu­lad ng mga nasa­sang­kot sa pangingikil. (Joy Cantos)

Show comments