^

Bansa

Rollback sa pasahe bago mag-Pasko

-

Maghihintay pa bago mag-Pasko ang publiko partikular na ang mga ma­nanakay sa inaasa­hang rollback sa pasahe mata­pos na ihayag ni Land Trans­­por­ tation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Thompson Lan­tion na sa Disyembre 3 pa madede­sis­yunan ito.

Ito’y sa kabila ng mala­king ibinaba na ng halaga ng krudo sa internasyunal na merkado at pagbaba rin ng presyo ng mga pro­dukto sa langis sa bansa sa mga nakalipas na araw.  Inireklamo ng mga mana­nakay ang napakatagal na pagpapababa sa pasahe habang maliit na P.50 lamang sa mga jeep at P1 sa mga pampasaherong bus ang naibigay na rollback sa pasahe ng LTFRB.

Nakatakda pa lamang magpulong ang LTFRB at ang mga jeepney operators kasama ang mga consumer groups sa Disyem­bre 3 kung saan inaasahan na magkakaroon ng ka­sun­duan. 

Sa kabila nito, nagpa­ramdan agad si Lantion na may negatibo sa isyu ng fare rollback dahil sa uma­no’y maaaring pagkontra ng mga transport groups partikular na ang mga bus operators.

Hinihiling naman ng mga jeepney operators na bumaba muna ang halaga ng diesel ng P35-P37 bago magpatupad ng pagpapa­baba sa kanilang pasahe.

Una nang hiniling ng National Council for Commuters Protection Inc. (NCCPI) ang pagbaba ng pasahe sa bus at jeep at pagtanggal sa “compulsory P10 tip” sa mga taxi. 

Nagmatigas naman ang mga taxi operators na mag­poprotesta sa oras na tang­galin ang P10 puwer­sa­hang tip ng mga pasahero.

Nakatakda namang magsagawa ng kilos-pro­testa ang grupong Pasang-Masda laban sa Shell, Petron at Caltex sa susu­ nod na linggo dahil sa pag­tanggi na iimplementa ang “one time bigtime rollback”. (Danilo Garcia)

CALTEX

CHAIRMAN THOMPSON LAN

COMMUTERS PROTECTION INC

DANILO GARCIA

FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

LAND TRANS

NAKATAKDA

NATIONAL COUNCIL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with