^

Bansa

100,000-job target ng bagong BI visa kayang-kaya

-

Madaling maabot at “realistic” ang target na 100,000 bagong trabaho ng Bureau of Immigration (BI) mula sa paglalabas nila ng indefinite visa sa mga dayuhang negos­yante na kukuha ng sam­pu o higit pang empleya­dong Pilipino, ayon sa mga lider ng ilang foreign business chambers sa bansa.

“The target of 100,000 new jobs is realistic if you have very easy access by foreigners to the market. The immigration, justice and trade departments of the government are now going in the right direction,” wika ni Petteri Makitalo, ng Finland Chamber of Com­merce in the Philippines (FCCP).

Sinabi pa ni Makitalo na dahil sa nakaambang pagbagal ng ekonomiya bunga ng krisis pampi­nan­siyal na nararanasan ng mundo, hindi na dapat pang magkaroon ng ma­raming hadlang sa prose­so sa burukrasiya.

Ayon kay Makitalo, maraming economic opportunities sa Pilipinas dahil ang iba pang chamber sa Israel, Finland at India ay nakatuon sa pag­pasok ng dayuhang kapi­tal at gamitin itong bahagi ng paglago ng bansa.

Idinagdag naman ni Emanuel Fryzer, pangulo ng Philippine-Israel Business Association, na napa­panahon ang paglabas ng special visa for employment generation (SVEG), lalo pa’t inaasahan na masama ang magiging pasok ng 2009 dahil sa problemang pang-ekono­miya na nararanasan ng mundo. (Butch Quejada)

AYON

BUREAU OF IMMIGRATION

BUTCH QUEJADA

EMANUEL FRYZER

FINLAND CHAMBER OF COM

IDINAGDAG

MADALING

MAKITALO

PETTERI MAKITALO

PHILIPPINE-ISRAEL BUSINESS ASSOCIATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with