Suspension vs Garcia pinigil ng SC
Pinahinto ng Korte Suprema ang suspension order na ipinataw ng Office of the Ombudsman laban kay Bataan Governor Enrique “tet” Garcia at sa iba pang lokal na opisyal ng lalawigan.
Ito ay matapos na magpalabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang SC at atasan ang mga kinauukulan na huwag ipatupad ang 6 na buwan na suspension laban kay Garcia at sa iba pang opisyal ng Bataan dahil sa mga kinakaharap na kasong graft at plunder.
Binigyan lamang ng SC si Ombudsman Merceditas Gutierrez at DILG Secretary Ronaldo Puno ng 10 araw upang isumite ang kanilang komento.
Dahil sa desisyon ng Korte, maaring makabalik sa trabaho sa Bataan si Garcia habang dinidinig ang petisyon nito.
Naunang naghain ng petition sa Court of Appeals (CA) ang kampo ni Garcia subalit nabigo itong makakuha ng TRO kaya umakyat ito sa SC na pinagbigyan naman ng Mataas ng Hukuman. (Gemma Amargo-Garcia)
- Latest
- Trending


















