^

Bansa

Bantay korte inilunsad

-

Inilunsad kahapon ng ibat-ibang organisas­yon at kilalang mga per­sonalidad ang Bantay Korte Suprema dahil magiging kritikal ang sitwasyon sa Supreme Court sa taong 2009 na, rito, pitong mahistrado ang nakatakdang mag­retiro.

Ayon kay dating Supreme Court Chief Justice Artemio Pangani­ban, layon ng Bantay Korte Suprema na ma­tiyak ang transparency para sa gagawing pag­pili ng mga susunod na SC Justices.

Nangangamba aniya sila na kapag mga ap­ poin­tee ni Pangulong Arroyo ang halos buong bilang ng mga mahis­trado ng Korte Suprema ay mabago ang pana­naw nito at mawala ang pagi­ging independent nito.

Kabilang sa mga bu­mubuo ng sa Bantay Korte Suprema sina Pa­nga­niban, Senator Fran­cis Pangilinan na miyem­bro din ng Judicial and Bar Council, iba’t ibang legal academe, lawyer’s association at chambers of commerce.

Naniniwala si Pangi­li­nan na mapanganib sa interes ng publiko ang pagtatalaga ni Pangu­long Arroyo ng pitong mahis­trado ng Korte Suprema sa susunod na taon. (Gemma Amargo-Garcia)

AYON

BANTAY KORTE SUPREMA

GEMMA AMARGO-GARCIA

JUDICIAL AND BAR COUNCIL

KORTE SUPREMA

PANGULONG ARROYO

SENATOR FRAN

SHY

SUPREME COURT

SUPREME COURT CHIEF JUSTICE ARTEMIO PANGANI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with