Presyo ng tinapay ibinaba

Bababa simula nga­yong Martes ang pres­yo ng tinapay sa lokal na pa­milihan. Ayon kay Simpli­cio Umali Jr., pa­ngulo ng Philippine Baking Industry Group, may 50 sentimos ang itinap­yas nila sa hala­ga ng loaf bread sa­manta­lang 25 senti­mos naman ang ibi­naba sa halaga ng kada-sampung piraso ng pandesal.

Sinabi pa ni Umali na, bukod sa pagbaba ng presyo ng harina, mala­king tulong din ang patu­loy at sunud-sunod na pagbaba ng presyo ng Liquuified Petroleum Gas para maba­wa­san ang ha­la­ga ng tina­pay. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments