Amyenda sa coop code giit

Umapela ang samahan ng mga electric cooperatives sa mga mambabatas na ipasa na ang panuka­ lang pag-amyenda sa Republic Act 6938 o Philippine Cooperative Code.

Ayon kay Ponciano Pa­yuyo, chairperson ng Federation of Electric Cooperatives (PHILFECO) sa pag­harap sa pagdinig ng Senate committee on cooperatives na pinamumunuan ni Sen. Miguel Zubiri, sinabi nito na layunin ng pag-amyenda na maprotek­tahan at maitaguyod ang interes at kapakanan ng lahat ng miyembro ng kooperatiba lalo na ang mga nasa liblib na lugar.

Sa kasalukuyan, may­roon pang mahigit 100 electric cooperatives ang rehis­trado sa National Electrification Administration sa halip na sa Cooperative Development Authority (CDA)

Sa ilalim ng CDA, hindi pinapatawan ng buwis ang mga miyembro kaya’t mas mababa ang singil sa kuryente.

Paliwanag pa ni Pa­yuyo, ang pag-amyenda sa Philippine Cooperative Code ay gagarantiya ng pagkakaroon nila ng ownership na ang resulta, bukod sa mababang singil sa konsumo ng kuryente, makapagbibigay pa sila ng refund, dibidendo at interes sa share capital at kita na ibinibigay sa mga miyem­bro tuwing huling buwan ng taon. (Butch Quejada)

Show comments