^

Bansa

Sa Pinoy na nakasagasa ng 3, Pugot-ulo sigurado! Arabo

- Ni Mer Layson -

Posible umanong ma­bitay ang isang overseas Filipino worker (OFW) na nakapatay ng tatlong Arabo matapos na magwala at araruhin ang ilang sasak­yan na nakasalubong nito sa Jeddah, Saudi Arabia noong Martes.

Ayon sa lider ng isang Filipino community na nakabase sa Riyadh at tumutulong sa naturang Pinoy worker na si Rigor de Padua, base sa mga na­ilathalang testimonya ng mga nakakita, posible umanong mapugutan ng ulo si de Padua lalo na’t tatlo ang napatay nito na pawang miyembro ng isang pamilya kaya’t mahirap aniya itong mapatawad.

Tumanggi namang magpakilala ang naturang lider ng Pinoy community na nagsabi pang mahirap umanong makisimpatiya sa ginawa ni Rigor kahit pa hindi naman mga Pinoy ang nabiktima nito.

Matatandaang si de Padua, 33, ng Muntinlupa City, ay iniulat na nag-amok, sumakay sa isang bus at inararo ang ilang nakasa­ lubong na sasakyan sa Al Haramain Road sa Jeddah. Tatlong Arabo ang nasawi na kinabibilangan ng isang ina at dalawang anak nitong babae, na pawang sakay ng isang puting Toyota Corolla, na direktang nakasalpukan nito.

Sinasabing kadarating lamang ni de Padua sa Jeddah noong Oktubre 5 upang magtrabaho bilang driver ng isang malaking kumpanya sa lugar.

Noong Lunes ng gabi ay sinasabing nakitang balisa ng kanyang mga kasa­mahan ang suspek at nang mag-umaga ay bigla na lamang umano itong nag-amok, at dala ang isang martilyo ay binasag ang salamin ng kuwarto ng kanilang supervisor.

Sa ulat na nakarating sa Department of Foreign Affairs (DFA), palaging tahi­mik at nag-iisa ang suspek at malaunan ay natuklasan umano ng mga kasamahan nito na depressed pala si de Pa­dua matapos na iwa­nan ng kanyang asawa at anak.

Lumala pa umano ang problema ng lalaki matapos na pagbantaan ito ng kan­yang supervisor na pau­uwiin sa Pilipinas kung mabibigong makakuha ng driver’s license.

Sinasabing isa pang biktima sa naturang insi­dente ang nasawi ngunit hindi pa umano matukoy kung ito ay ang driver ng Toyota Corolla o isa sa mga Pinoy na sakay ng bus na minaneho ng suspek.

Nasugatan din si de Padua at ang dalawang Pinoy na sakay ng mina­niobra nitong bus sa in­sidente, gayundin ang ilang Bangladeshis at Nepalis na tumalon mula sa bus.

Tiniyak naman ni DFA Spokesman at assistant secretary Claro Cristobal na inatasan na nila ang kon­sulada ng Pilipinas upang tulungan si de Padua at upang tiyakin na mapu­protektahan at ma­ re­respeto ang mga ka­rapatan nito habang dinidinig ang kaso.

Kinumpirma naman ni Consul General Ezzedine Tago na si de Padua ay kasalukuyan nang nasa detention center at iniim­bestigahan ng mga lokal na awtoridad doon.

AL HARAMAIN ROAD

CLARO CRISTOBAL

CONSUL GENERAL EZZEDINE TAGO

ISANG

JEDDAH

PADUA

PINOY

SHY

TOYOTA COROLLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with