Apela ng FEMFI ibinasura ng Palasyo

Ibinasura ng Mala­kanyang ang motion for reconsideration na inihain ng Far East Maritime Foundation, Inc. (FEMFI) kaugnay ng cease and desist order (CDO) na ipinalabas at nilagdaan ni Executive Secretary Eduardo Ermita laban sa kanila.

Sa desisyon mula sa Palasyo, wala raw bagong argumento sa isinumiteng apela ang FEMFI at wala nang dahilan para balig­tarin pa ang kautusan ni Ermita hinggil sa naturang CDO na ipinalabas noong Agosto 3, 2007, matapos mapatunayang mayroong irregularidad sa operasyon ng FEMFI.

Nilinaw sa desisyon na kaya nag-isyu ng CDO laban sa FEMFI ay dahil sa paninigil nito ng tution fees sa mga Seafarers bilang training center gayong rehistrado ang FEMFI sa Securities and Exchange Commission (SEC) bilang isang non-stock at non-profit incorporation.

Pinawawalang-bisa din ng Malakanyang ang lahat ng accreditaion ng FEMFI bilang Maritime Training Center at sa halip ay inu­tusan ang FEMFI na mag­pa-accredit na lamang muli dahil lahat ng accreditation nito na naibigay ng Maritime Training Council (MTC) ay maituturing na ilegal dahil sa paglabag sa by-laws ng SEC. (Rudy Andal)

Show comments