Dela Paz sisipot ngayon sa Senado
Walang planong tumakas at 99% lalantad ngayong araw sa Senado si dating PNP Comptrollership Eliseo de la Paz kaugnay ng kontrobersiyal na Russia trip.
Ito ang kinumpirma kahapon ni Atty. Noel Malaya, legal counsel ni dela Paz, matapos na hilingin ng mga Senador sa Bureau of Immigration and Deportation (BID) na magpalabas ng hold departure order laban sa retiradong opisyal.
Ayon kay Malaya, pabalik na sa Maynila galing sa probinsya ang kanyang kliyente at sa sandaling makarating ito ay agad silang magtutungo sa Senado at hindi na hihintayin pa ni dela Paz na arestuhin siya ng Senate Sergeant-at-Arms.
Siniguro din ni Malaya kikilalanin ng kanyang kli yente ang subpoena na ipinadala ng Senado at dadalo sila sa pagdinig ng Committee on Foreign Affairs na pinamumunuan ni Sen. Miriam Defensor Santiago.
Bukod kay dela Paz ay mayroon din subpoena ang maybahay nito na si Maria Fe subalit makikiusap umano sila na huwag nang idamay pa ang ginang. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending