'LTO angels' isasabak vs kotong
Magpapakalat ng mga babaeng traffic enforcers ang Land Transportation Office (LTO) laluna sa holiday season na tatawaging “LTO angels.”
Ayon kay LTO Chief Alberto Suansing, ang hakbang ay bahagi ng kampanya ng ahensiya laban sa kotong laluna ngayong Kapaskuhan.
Anya, mas mainam na mailagay sa mga kalsada ang mga babaeng enforcers dahil bukod sa hindi sila kayang awayin ng mga pasaway na driver, hindi rin ang mga ito malalagyan ng mga abusadong driver pag nahuli dahil sila ay babae. Partikular anyang itatalaga ang mga LTO angels sa mga malls, airports at iba’t ibang major routes sa Metro Manila.
Kaugnay nito, pinatingkad din ni LTO NCR director Ricardo Tan ang kampanya ng mga enforcers nito ngayong Holiday season. Anya, mas prioridad na alalayan na lamang ng mga enforcers ng LTO-NCR ang mga motorista kaysa manghuli at ito anya ay pamaskong handog ng kanyang tanggapan.
Hanggat maaari, sasabihan na lamang nila ang mga motorista na huwag nang uulitin na gumawa ng traffic violation para hindi makumpiska ang lisensiya o mabaklas ang car plates. Gayunman, kung talagang pasaway ang driver at hindi inaalintana ang batas trapiko, walang dahilan para hindi ito hulihin ng kanyang mga tauhan. (Butch Quejada/Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending